Ang ipis ang isa sa mga insekto na karaniwang nakakasama mo sa bahay at ito rin ang minsa’y iyong pinoproblema kung paano mo magagawang hindi makitaan ng ipis ang iyong bahay. Hindi lang nakakairita sa mata ang makakita ng ipis sa loob ng iyong bahay, kundi mangangamba ka rin sa posibleng hatid at ikalat na sakit nito sa iyong pamilya. Maaari kasing magpalala ng hika ang mga ipis dahil sa mabahong amoy na dala nito. Paano nga ba maaalis ang mga ipis sa iyong bahay? Narito ang ilang paraan:
Maraming uri ng ipis na karaniwang nasa bansang America dahil ang mga ganitong ipis ay mas nais manatili sa mga medyo basang lugar gaya ng bathroom, mga lugar na may sirang tubo at mga bahagi ng bahay na may mga “stagnant water†o mga tubig na nai-stock. Dahil dito, dapat mong suriin mabuti ang ilalim ng iyong lababo, c.r at mga dinaraanan ng tubo ng tubig na posibleng nababasa ang lugar. Dito kasi gustong mamahay ng mga ipis. Kaya magkaroon ng buwanang pagsusuri sa mga lugar na ito ng iyong bahay. Iwasan din ang mag-iwan sa kuwarto o kung saan man ng basang tuwalya o basahan dahil dito magpupunta ang mga nakakadiring ipis. Iutuloy
Tiyaking malinis ang iyong bahay mula sa ma mumo ng pagkaing nahuhulog sa lamesa. Hindi maselan ang mga insektong ito sa pagkain kaya naman sa oras na may maamoy silang pagkain na nasa sahig o kung saang sulok ng bahay, tiyak na lalapitan nila ang mga ito at presto! May ipis ng naka-display sa bahay mo. Kung kakain dapat ay nasa lamesa lang at iwasang magdala ng mga pagkain, lalo na ng chichiria sa sofa at kuwarto. Palagi rin maglampaso at magwalis ng sahig at i-vacuum ang mga kutson ng sofa at kama sa kuwarto para matiyak na walang mumo ng pagkain dito na maaaring puntahan ng mga insekto, partikular na ng ipis.
Iwasan ang pag-iimbak ng mga karton na pinaglamanan ng mga pagkain. Kung maaari mong i-recycle ang mga ito, mas mabuti dahil nakapag-recycle ka. Ang mga karton kasi na pinaglagyan ng pagkain ay mabilis maamoy ng mga ipis.
Kumpunihin ang mga sirang bahagi ng bahay. Kaya minsan mahirap na maging “cockroach free†ang isang bahay ay dahil sa mga sira at butas na bintana, pinto o mga crack sa sahig. Dahil maliit lang ang ipis, kaya nilang lumusot sa mga ito papasok sa inyong bahay. Kaya para maging selyado ang inyong bahay kumpunihin ang mga butas dito.