Aswang family (35)

ILANG minuto rin bago natapos ni Iskong sintu-sinto ang mahalay na ginagawa, sa loob ng sagingan.  Madaling nagbihis na ito, ngising-ngisi.

“Hatita,  salamat nang madami. Ako aalis na, ha? Kasi baka babalik na ang itaas mong kalahati…magagalit ‘yon sa ‘tin.”

Nagtatakbo na ito palabas ng sagingan, malinaw ang mata kahit buwan lang ang tanglaw.

“Naku-naku…a-ano ‘yon?” May nakita sa di-kalayuan ang sintu-sinto. Nais tiyakin kung ano. “Lalapitan ko…”

Napaigtad nang maunawaan kung ano. “Nakupo… ang kalahati ni Hatita! Bumagsak!”

Hindi gumagalaw ang manananggal; nanatiling nakasubsob sa lupa.

Nakita ng sintu-sinto ang duguang balikat nito. Iba ang naisip agad. “N-naku, lagot…wala na kalahati ni Hatita…”

Tarantang lalabas na ng sagingan si Isko, nagsisisigaw. “PATAY! PATAY NA! PATAY NA KALAHATING ITAAS!”

Abot sa paligid ang sigaw ng sintu-sinto. Narinig ng isang nilalang ng dilim; ni Grecong tikbalang na kinakabahan.

Humalinghing ito. HII-II-IINNGG.

Mabilis nitong tinakbo ang bukid, tuluy-tuloy sa sagingan.    

   Nakita ng tikbalang ang sintu-sintong palayo na.

Tagadag-tagadag. Dumagundong ang mga yabag nito.

Nakita agad sa sagingan ang nakasadsad na manananggal. Kinilabutan sa anyo ng kabiyak. “Shalina…”

Binuhat ni Grecong tikbalang si Shalinang manananggal. Kailangang maiugpong niya ito sa pang-ibabang katawan, bago maging huli ang lahat.

Natanaw niyang nakatumba ang pang-ibabang kaputol ni Shalina.

 â€œBakit natumba?” Nagtataka ang tikbalang.

Gayunma’y inuna ang pag-uugpong sa dalawang kalahati. Nabuo naman agad si Shalina kahit lungayngay pa rin, walang malay-tao.

Pinangko ito ni Grecong tikbalang. Isusugod niya si Shalina sa bahay na bato para magamot.

Noon niya napansin sa lupa ang black shorts and white panties ni Shalina. May naghubad niyon sa kaputol  ng asawa, kanyang naunawaan.

Napasigaw sa galit ang tikbalang. “Aaaahhh!” (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                 

 

Show comments