SAKTONG pagsungaw ng buwan, ang pamilÂyang nasa sagingan ay sabay-sabay na nagbago ng anyo.
Naging Kapreng bading muli si Mang Sotero; si Aling Mameng ay matandang Aswang; si Greco ay makisig na Tikbalang.
Si Shalina ay naging kaakit-akit na ManaÂnanggal muli. Kahit nakapalda nang mahaba ang kaputol ay seksi pa rin, oozing with sex appeal.
HA-HA-HA-HAAA! Pumailanlang sa sagiÂngan ang malutong na halakhak ni Adwani. Ang bad fairy na ito ay aliw na aliw sa pagdurusa ng ‘Aswang Family’.
Pero nakalayo na sa dilim ang apat na biktima ng kanyang paghihiganti; hindi narinig ang halakhak.
Ang natakot sa bad fairy ay si Iskong sintu-sinto, nginig na tinakpan nito ng dahon ng saging ang mukha.
Nasulyapan nito ang paglitaw ni Adwani; maganda ang bad fairy pero hindi type ni Isko; ang gustung-gusto ng sintu-sinto ay si Shalina—laluna ang pang-ibabang katawan ng manananggal.
Sa baliw na kamalayan ni Isko, siya ay hindi natatakot sa putol na pang-ibaba at sa pang-itaas ni Shalina.
Pero mas gusto ni Isko ang pang-ibaba ng manananggal. Naglalaway ang baliw sa makurbang balakang at makikinis na hita ng putol na babae.
Nang wala na ang bad fairy, mabilis nang nilapitan ng sintu-sinto ang nakatayong kaputol ni Shalina.
“Ikaw, Hatita, aking asawa. Ako, si Isko, iyong kabiyak. Heh-heh.†Hinawakan na naman ng baliw-baliw ang hita ng manananggal.
Napansing mahaba ang suot na palda nito. “Ayy, Hatita, ano kulay ngayon, ha?â€
Inililis ni Isko ang palda, sinipat ang nasa loob. Napansin ang itim na shorts; nasilip din ang nasa loob ng shorts.
“H-hindi dilaw, puti na! Heh-heh…†SumuÂngaw sa mga labi ni Isko ang malisyosong ngisi.
SA IBABAW ng bahay na pawid, si Shalinang Manananggal ay naligalig ng amoy ng nasa sinapupunan ng buntis. Kayhirap tanggihan ng tulad niya ang samyo ng unborn baby.
Inilawit ni Shalina ang mahaba-malasinulid na dila sa bintana ng kubo. Nakatapat iyon sa tiyan ng natutulog na buntis. (ITUTULOY)