Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba noong unang panahon ang utak ng ostrich ay isang “delicacy”? Sa katunayan ang Roman Emperor na si Heliogabalus na namahala mula 204-222 AD ay naghanda ng delicacy na ito kung saan 600 ostrich ang pinatay at kinuha ang utak. Ang oyster mushroom o pleurotus  ay kasing lasa rin ng oyster kaya isinunod sa pangalan nito ang mushroom. Ang tawag naman ng mga katutubong Amerikano sa Turkey ay  “firkee”. Naniniwala naman ang marami dito sa isang kuwento na kaya “Turkey” ang pangalan ng hayop na ito ay dahil “Turk.. turk..turk..” ang ginagawang ingay nito.

Show comments