Bumabalik ang STD - Last part

Ang isa pang puwedeng maging dahilan ay mali ang iniinom na gamot. Maaaring nagkamali ang iyong doctor sa pagreseta ng gamot o kung nagdoktor-doktoran sa sarili at mali ang napiling gamot. Hindi lahat ng STD ay sanhi ng parehong pathogens (bacteria o microorganism na sanhi ng sakit). Ang iba’t ibang sakit ay nangangailangan ng iba’t ibang treatment.

Kaya importanteng matukoy ng tama ng iyong doctor kung ano ang sanhi ng infection bago magreseta ng antibiotics at ito ang dahilan kung bakit hindi basta-basta puwedeng uminom ng kung anu-anong gamot.

3.  Hindi nagamot ang partner. Kung may regular na sexual partner, importanteng sabihin sa kanya ang tungkol sa iyong infection para magamot din siya. Kapag tapos na kayong maggamot, kailangang maghintay na umipekto ang treatment bago mag-sex uli. O di kaya ay iwasan muna ang unprotected sex habang naggagamot. Kung ang iyong partner ay hindi magpapagamot, magpapasahan lang kayo ng STD.

4. Ma-exposed sa bagong STD
 Hindi porket nagamot ka na sa sakit na chlamydia, gonorrhea o iba pang STD ay hindi nangangahulugang hindi mo na ito makukuha sa iba.  Sa katunayan, puwede kang paulit-ulit na magkakaroon ng isang STD kung patuloy na makikipag-sex ng walang proteksiyon (condom) sa mga partners na hindi mo alam kung may STD o wala.

Kaya kung nagamot ka na sa STD, importanteng gumamit palagi ng protection.

 

 

Show comments