Dear Vanezza,
Ako po si Jasmin. Nagkaroon ako ng bf. Sa loob ng mahigit 4 years na relasyon namin ay faithful ako sa kanya. Pero ang masaklap po ay madalas kaming nag-aaway dahil sa pagdududa niya at pagseselos ng walang dahilan. Sa bawat pag-aaway ay nararamdaman kong nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya last Christmas ay nakipag-break ako sa kanya. Ilang buwan ang lumipas ay may nanligaw sa akin. Marami kaming something in common pero hindi pa ako nag-commit sa kanya. Nagi-guilty ako kasi until now yung bf ko ng 4 years ay laging nagÂlalasing at kinokonsensiya po ako ng pamilya ko. Naguguluhan ako kung makikipagbalikan ba ako sa ex ko o sasagutin ang bago kong manliligaw. Ayaw ko pong magkamali.
Dear Jasmin,
Wag kang magdesisyon kung naguguluhan ka dahil baka nga magkamali ka. Hindi mo rin naman kailangang madaliin ang iyong sarili dahil ang pagpili sa kung sino ang mas matimbang ay hindi madalian. Ibase mo ang desisyon sa existence ng pagmamahal. Ikaw lang ang makakasagot kung sino sa kanila ang iyong mahal. Posibleng sa dating bf mo ay naaawa ka lang dahil laging naglalasing o dahil kinokonsensiya ka ng iyong pamilya. Kung babalikan mo siya, isipin mo ang consequence. Paano kung magpakasal kayo at balik siya sa dating ugali na sobrang seloso. MagiÂging masaya ka ba? Tungkol sa manliligaw mo, dapat kilalanin mo rin siyang mabuti. Tiyakin mo na kaya mo siya sasagutin ay dahil mahal mo at hindi dahil gusto mo lang makalimot sa ex mo. Kung natimbang mo na ang mga bagay na ito, saka ka mag-decide. Mahalaga na gamitin ang isip at huwag lang puro puso ang paiiralin.
Sumasaiyo,
Vanezza