Alam n’yo ba na mas magaan ang hibla ng buhok ng mga lalaki kumpara sa mga babae? Humahaba ng 12 centimeter ang buhok sa loob ng isang taon. Tumatagal ng dalawa hanggang pitong taon ang buhay ng isang buhok. Mas mabilis humaba ang buhok sa medyo mainit na panahon. Bumabagal ang paghaba ng buhok ng isang tao kapag siya ay nagkakaedad at mabilis naman itong malagas dahil sa pagbaba ng hormone level na kinakailangan ng buhok. Hindi dapat kinukuskos ng tuwalya ang buhok dahil ito ay sensitibo. Hindi nagagamot ang mga split ends ng buhok, kaya kinakailangan itong putulin.