Hinabol ng Asong Ulol

Panaginip: Hinabol ako ng asong ulol.  Tumakbo ako sa toilet upang doon magtago pero hindi ako tumuloy dahil maraming dumi ng tao.---Mrs. Libra

Interpretation: Ang paghabol sa iyo ng asong ulol ay nagpapahayag na wala kang kamalay-malay na inilalagay ka ng isang taong nagkukunwaring ‘friend’, sa isang sitwasyong hindi maganda. Maging mapagmasid at lakasan ang pakiramdam. Ang pagtakbo sa toilet na maraming tae ay pagtanggap ng hindi inaasahang pera.

 

Show comments