Kontra sa masamang titig

Tanong: Ano po ang dasal na pangontra sa mga taong tumititig sa akin nang masama? Hindi ako kinakausap at hindi rin lumalapit sa akin ngunit sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nakatitig nang masama sa akin tuwing ako ay nakikita ng mga lalaking ito.—name withheld

Sagot: Kung minsan ang ganoong pagtitig ay isang paraan ng panggagayuma o ginagamitan ka ng orasyon upang maakit ka sa kanila. Narito ang dapat mong gawin para hindi sila makapaminsala. Bago matulog at pagkagising, basahin ang Psalm 91 upang protektahan ka sa lahat ng kapahamakan. Pagkatapos ay isunod mo ang dasal na ito:

Santong Amang kataas-taasan, Santong Diyos, Santong Poon, Santong Hari at Panginoon. Pinupuri kita, Kyrie Eleison, Christie Eleison, Kyrie Eleison. Hesus, Niño Hesus, Ecce Homo, Emmanuel Salvador Del Mundo. Ako’y iligtas mo sa kaaway. Iligtas ako ng Diyos Anak sa masamang tukso. Saklolohan mo ako, Diyos Ama. Lukuban ng kamahal-mahalang Diyos Espiritu Santo. Amen.

 

Show comments