Pinaglalaruan ka niya?

Dahil sa buwan ngayon ng mga puso, hindi lahat ay nakakaranas ng magandang “love life”  ang iba ay dumaranas ng sakit,  lungkot at depresyon. Minsan, kung kailan holiday o may magandang okasyon na dapat sana kayo ay magkasama, dito pa kayo nagkakahiwalay at nag-aaway. Ngunit makalipas ang ilang linggo at humupa na kapwa ang galit sa inyong mga puso, makukuha ninyong muli na mag-usap, maging magkaibigan at maalala ang inyong masasayang nakaraan. Kagaya ng karanasan ni Honeylen, 28, nag-break sila ng kanyang boyfriend, ngayon ay nalilito siya sa kanyang nararamdaman dahil muli silang nagkaroon ng komunikasyon. Sa pakiramdam niya ay tila nais makipagbalikan sa kanya ng kanyang bf, ngunit kapag napag-uusapan nila ang salitang “commitment” ay tila nabibingi ito.  May pagkakataon na talagang malilito ka sa ipinapakita ng isang tao lalo na kung ikaw ay mayroong pagmamahal sa kanya.  Narito ang ilang paraan upang malaman mo kung tila pinaglalaruan ka ng iyong ex-bf/gf para sa kanyang sariling kasiyahan o kapakanan:

1. Pinagpapatuloy ng iyong ex-bf  ang mga bagay na dati ninyong ginagawa o hinihiling niyang gawin mo pa rin ang mga bagay na da­ting ginagawa mo para sa kanya bagama’t siya ay mayroon ng bagong karelasyon. Pangkaraniwan itong ginagawa ng mga lalaking alam nilang mahal pa rin sila ng babae kahit pa sila ay break na.  Kung ganito ang iyong nararanasan, maaaring inaabuso ka ng  iyong ex-bf o siya ay nagte-take advantage na sa iyo at nilalasap ang sarap ng atensiyon na nakukuha niya sa’yo.

2. Palagi ka pa rin sinasabihan ng iyong ex na mahal ka niya at may pagkakataon pa nga na nais niyang makipag-sex sa’yo, ngunit kapag binanggit mo na kung anong tunay ninyong relasyon at ang kanyang “commitment” sa’yo, makikita mong tila siya yelo na biglang manlalamig sa’yo. Kapag ganito ang iyong sitwasyon, tiyak na masasaktan ka.

 

Show comments