2014 Chinese Horoscope (4)

Rat (1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996)

Hindi ideal year sa mga Rats para magpalit ng trabaho or mag-expand ng negosyo.  Mag-concentrate na lang sa present job or negosyo. Iwasan ang pagiging gastador dahil hindi maganda ang daloy ng money luck. Hindi masuwerte sa sugal. Magandang opportunity para magplano ng pagpapakasal ang mga single Rats. Panatilihin ng married Rats ang delikadesa upang hindi matuksong magtaksil. Insomnia at headache ang magiging problema.

Ox (1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

Ang kapalaran ng Ox ngayon ay med­yo lucky na medyo unlucky. Upang maiwasan ang negative energy, maging mapagkumbaba at pasensiyoso. Makinig sa payo ng mga kaibigan at lalo pang pagbutihin ang pakikisama. Maraming darating na opportunity para kumita ng pera ngunit mabilis din magagastos ang pera kaya watch out sa iyong paggastos. Sa pag-ibig, magiging matampuhin ang Ox sa kanyang minamahal. Ang Married Ox ay may makikilala na magiging dahilan upang matuksong magtaksil. Ingat. Laging isipin na ikaw ay taong may dignidad. Magiging mahina ang digestive system.

 

Show comments