Sa ‘Malamig’ na panahon, ‘Pag-initin ang relasyon Last Part

Bagong ‘moves’ - Ang pagsubok sa mga sex positions ay magbubukas ng maraming pinto sa inyong relasyon. “Anything novel or exciting is likely to drive up the levels of dopamine in her brain,” sabi ni anthropologist Helen Fisher, Ph.D., ng Why We Love.  Sa isinagawang magnetic resonance imaging scans sa Oxford University, nadiskubreng kapag natuto ng bagong motor skill— ito man ay ang pagtugtog ng gitara o bagong  sex position sa kama – gagana ng husto ang utak kapag nag-orgasm.



Parang ‘virgin’ lang uli - Kapag kabisado mo na kung paano siya ‘paligayahin,’ nakakalimutan mo na ang tungkol sa foreplay at iba pang bagay para mas maging kapanapanabik ang sex, sabi ni Debbie Herbenick, Ph.D., isang Men’s Health sex advisor.



Magkaroon ng 3-day sex break para magkaroon ng pananabik sa isa’t isa. Sa susunod na araw, mag-necking na parang mga teenagers. Pahinga uli ng dalawang araw bago sundan ng isang araw pa na puro ‘touch touch lang’.. lambingan lang pero walang sex. Dalawang araw uli na pahinga bago gamitin naman ang lips imbes na kamay.

Siguradong pareho na kayong sabik matapos ang ilang araw. Siguradong ‘mainit na bakbakan’ na ang susunod.

 

Show comments