Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na mayroong 1,000 uri ng cherries sa Amerika? Ang Kane, Pennsylvania  naman ang  tinaguriang “Black Cherry Capital of the World”. Mayroong 7,000 cherries sa isang pangkaraniwang tart cherry tree. Kinakailangan naman ng 250 piraso ng cherry para makagawa ng isang cherry pie. Ang cherry din ang opisyal na pang-estadong prutas sa Utah at idineklara ito noong 1997. Libu-libong cherry trees naman ang nakapalibot sa Tidal Basin at Jefferson Memorial sa Washington D.C. Iniregalo at itinanim ito ng mga Japanese noong 1912 bilang tanda ng kanilang pakikipagkaibigan sa Amerika.

 

Show comments