Ang iyong dugo (7)

Ang lukemya ay nada-diagnose sa dalawang pagsusuri – ang pagsusuri sa dugo at ang biopsy ng bone marrow.

Kung ang sampol ng dugo ay kinuha at sinuri sa mikroskopyo, ilang bilang ng puting selula ng dugo at pleytlet sa sampol ang mabibilang.

Kung ang bilang ng puting selula ng dugo ay abnormal, maaaring mayroong: mababang bilang ng pleytlet; mababang bilang ng pulang selula ng dugo; mababang bilang ng magulang na puting selula ng dugo; o mataas na bilang ng mura pa o maagang pag-aalpas sa mga puting selula ng dugo (tinawag na mga blast). At saka lamang gagawin ang bayopsi ng utak ng buto. Sa test na ito, gagamitin ng doktor ang karayom at hiringgilya sa pagkuha ng bahagi ng bone marrow. Lokal o iniksiyon na pampamanhid ang gagamitin sa paggawa nito. Ang mga bagong gamot na ito ay makababawas sa sakit na dulot ng ginagawa. Ang sampol ng utak ng buto ay susuriin sa pamamagitan ng malawakan at iba’t ibang test, mula sa pagsusuri sa mikroskopyo hanggang sa espesyal na pag- aaral ng kultura ng bone marrow. At saka lamang gagawin ang pagdadayagnos. Salungat sa karaniwang paniniwala, ang lukemya ay hindi palaging mabilis lumaki kung ihahambing sa normal na selula. Sa katotohanan, sa mga eksperimento sa mga laboratoryo ng pan­a­naliksik ipinakikita na ang ilang selula ng lukemya ay maaaring lumago ng dahan-dahan keysa sa normal na selula. Ang mataas ng bilang ng dugo ay sanhi ng pagkakaipon ng mga selula ng lukemya sa mga ugat. Ang mura pang mga selulang lukemya ay naiipon sa ugat dahil hindi sila nagagamit ng katawan. (Itutuloy)

Show comments