‘Butas na lupa’ (52)

MATINDI ang utos ng supreme leader ng mga taga-ibang planeta.

Magpadala agad ng strike force sa ibabaw ng butas na lupa, bawiin ang mga patay na kalahi—at bombahin ang mga taumbayan.

“KRUZZHIKIKIK!”: Sigaw ng pinuno.

Batas iyon sa mga sundalo nila. Handang mamatay sa pagtatanggol ang mga ito. “Dbdxxizz! Dbdxxizz!”

SA IBABAW ng mataas na gusali, ang takot ay lalong tumindi kina Jake at Monica.

“Monica, baka sasakupin na nila ang ibabaw ng butas na lupa! Masama ang kutob ko!”

“Mabibigla nang husto ang mga tao, lalu na sa Antukin at mga bayang karatig, Jake. Tiyak na napaka-moderno ng mga sandata ng taga-ibang planeta!”

“Pero paano silang nakapagtatag ng sibi­lisasyon sa ilalim ng lupa, Monica? Hindi ko talaga maintindihan?”

“Hindi na muna ‘yan ang dapat nating pagtuunan, Jake! Ang kapakanan muna ng lahing tao! Hindi dapat tuluyang masakop ng mga aliens ang mundo!”

Natatanaw nila ang lalong dumaraming bilang ng mga emergency vehicles na nag­liliparan, na hula ng magkasintahang estatwa ay mga military personnel-- ng mga nilalang na mukhang Japanese snails.

“Kurrizzicucci!  Iccucizzirruk!”

Dinig nina Jake at Monica ang ligalig na mga tinig sa himpapawid.

“Jake, alam mo bang posibleng tayo ang unang targetin ng mga aliens na ‘yan?”

“What do you mean?”

“Para kasing nasa war mode na sila—baka sampolan tayo. Bigla tayong bombahin.”

BLAAM. Binomba nga sila.

“Eeeee! Aaahh!” Sa isip lang kayang magtitili at sumigaw ng magkasintahang estatwang buhay.  

Sablay. Ga-hibla na lang ang layo nina Monica at Jake sa tuluyang kamatayan.

SA IBABAW ng butas, pinakyaw ni Doktora Nunez ang mga bagoong sa palengke.  (ITUTULOY)

 

Show comments