LUMITAW sa pagsusuring medical na ang ikinamatay ng mga taga-ibang planeta ay ang amoy ng bagoong.
“Ridiculous, Doctora Nunez, posibleng sa iba ay hindi mabango ang amoy ng bagoong—pero para mamatay sa amoy…?â€
“Hepe, hindi mga taong gaya natin ang mga aliens na namatay. Iba ang body systems nila,†paliwanag ng doktora.
Napabuntunghininga ang hepe. “What now? Natepok ang mga taga-ibang planeta—kung ipupubliko natin, dadagsain tayo ng mga usyoso.
“Afterall, doctora, hindi araw-araw na tayo’y nakakakita ng aliens. E kung gawin kaya nating special exhibit? Singilin natin ang mga nais makakita ng creatures from outer space.†“Correction, hepe, bukod sa hindi ako sang-ayon na pagkakitaan natin ang mga aliens, sila ay hindi galing sa outer space…
“Nanggaling sila sa sinkhole o butas na lupa.â€
NALIGALIG si Monica, nag-mental message kay Jake. “Jake, gising! Gumising ka’t may nangyayari!â€
Nagising naman agad ang boyfriend, napatingin sa kapwa estatwang buhay. “Monica, sori nakatulog ako. What’s happening?â€
“Tumingin ka sa himpapawid, Jake, nababalisa ang mga taga-ibang planeta!†Nakita ni Jake ang mga lumilipad na sasakyan—pawang super-bilis ang lipad, naka-emergency alarm.
“Wangg-wanng-wannnggg.â€
“Jake, nasa state of emergency sila, alam ko.â€
“Ano nga kaya ang nangyayari, Monica?â€
NAKARATING na sa pamunuan ng mga taga-ibang planeta ang pagkamatay ng limang duplikado.
Galit na galit ang supreme leader ng mga mukhang susong Hapon. “Trivuvkik Kikvuvirt! Drkazizzu zzizakrd!â€
Sa lengguwaheng tao, ganito ang sabi: “Bakit basta namatay ang limang kalahi natin? Ano ang ikinamatay? Sino ang pumatay?â€
“Mmiluzzi hiccipixuzz,†utos ng supreme leader. “Magpadala agad ng strike force sa ibabaw ng butas! Bawin ang mga patay! Bombahin ang mga ulul na taumbayan!†(ITUTULOY)