‘Butas na lupa’ (49)

UMIIYAK na nagbihis ang magandang doktora, hindi pa rin makapaniwala na siya ay na-rape ng limang duplikado ni Jake.

“Hu-hu-huuu…tama si Jake, may mga clones na nagmula sa butas na lupa. Hindi lang si Monica ang naduplika kundi maging siya…”

Hinang-hina si Doktora Nunez. Halos hindi makatayo.

Nakikiramdam siya. Saradung-sarado ang kanyang pad, walang palatandaang nakalabas na ang mga kaanyo ni Jake.

Nais niyang paniwalaan si Jake na ang mga duplikado ay hindi tunay na mga tao; na ang mga ito’y  mga taga-ibang planetang nag-aanyong tao.  “Ini-invade na kami ng mga aliens…”

 Kung ano ang hitsura ng mga aliens, walang nakaaalam; si Jake ay ang mga clones or duplicates lamang ang nakita.

Ganoon din siya, na-realize ni Doktora Nunez.  Ang anyo ng mga taga-ibang planeta ay isang malaking lihim.

Napabuntunghininga ang doktora, paika-ikang siniyasat ang pad; baka nasa loob pa ang mga kaaway.

“Meron palang nakakita na sa anyo ng aliens,” bulong niya.  “Sina Jake at Monica, kung narating nila nang buhay ang ilalim ng sinkhole.”

“EEEEEEE!” malakas na sigaw ni Doktora Nunez, hindi makapaniwala sa nakita sa kusina.

May limang nakabulagta doon; hindi ang limang duplikado ni Jake.

Sa halip, ang nasa kusina ay ang limang creatures na nakakadiri. Nasuka ang doktora. “Parang giant snails! Guwaark!”

Mga nilikhang kawangis ng susong Hapon ang nasa kusina, patay na!

SA ILALIM ng butas na lupa, nakatulugan na nina Jake at Monica ang pagod; hindi alam na lalong dumami ang nag-uusyoso sa kanila.

“Cunivizzi izzivinuc.” Sa lengguwaheng tao, ang sabi ng alien ay ganito: “Nakamamatay ang baho nila, kapag hindi estatwa.”

SA PAD ng doktora, sinisiyasat na ng pulisya ang sanhi ng kamatayan ng mga aliens. “May kung anong pumatay sa kanila, hepe.”

“Iyon nga ang dapat nating alamin, Doctora Nunez.”

Napansin ang ayos ng mga patay. Nakatakip sa ‘ilong’ ng mga ito ang mga ‘kamay’.  “May kung anong naamoy sila, hepe! Ang amoy na ‘yon ang pumatay sa kanila!” (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

             

Show comments