Dugo 
Ang dugo ay binubuo ng mga selula ng dugo (blood cells) at plasma (plasma). Ang plasma ay ang bahaging malinaw na likido ng dugo. Ito ang likidong nagdadala ng mga selula ng dugo na mga maliliit na bagay na nakabitin sa plasma. 
Ang malambot na tisyu sa mga butas ng buto ay ang utak ng buto (bone marrow). Ito ang ‘pabrika’ ng selula ng dugo. Ito ang nagbibigay ng mga selula sa daloy ng dugo kung ang mga ito ay nasa gulang na at kung ang katawan ay may natatanging pangangailangan nito. Sa isang malusog na katawan ginagawa ng utak ng buto ang karamihan sa tatlong uri ng mga selula ng dugo.
Ang mga ito ay:
* Pulang mga selula ng dugo
* Puting mga selula ng dugo
* Mga pleytlet. 

Ang pagdami at pagbuo ng selula ng dugo ay maingat na pinamamahalaan upang makabuo ng tamang bilang ng bawat uri ng selula upang gawing malusog ang katawan.
Milyun-milyon ng pula at puting selula ang nabubuo sa bawat segundo.
Karaniwang nananatili ang mga selula sa loob ng bone marrow hanggang umabot sa sapat na gulang na kailangang sumama na sila sa dugo at gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin.