House Number Last Part

Kung kayo ay nakatira sa isang condominium o apartment building, ang susundin ninyong house number ay ang number ng unit na inyong tinitirhan at hindi ang address ng buong building.

House Number 7: Kung nasanay ka sa bahay na masaya at marami laging tao, hindi ito para sa iyo. Ang house number 7 ay tahimik kaya mukhang malungkot. Magandang tirahan ito ng mga writer na nais ng katahimikan habang nagsusulat. O, kaya ng mga taong seryosong nagsasalisik ng bagong kaalaman kaya gustong mapag-isa. Mainam itong i-convert sa home office para sa counselling or healing business.

House Number 8: Kung pangarap mong yumaman o maakit ang maraming pera sa iyong buhay, tumira ka sa house number 8 na may vibration ng money, success and achivement. Kumbaga sa Fengshui, ang bahay na ito ay umaakit ng money at success luck. Ang mga taong nakatira rito ay masipag maghanapbuhay at hindi tumitigil hangga’t di natutupad ang kanyang pangarap.

House Number 9: Nagiging mapagkawang­gawa ang mga nakatira sa house number 9.  Bumabagal ang ikot ng mundo sa loob ng bahay dahil walang “active intensity” kaya para bang nakakapag-relax ang iyong kalooban. Ito ang dahilan kung bakit mainam itong tirahan ng mga matatanda.

Show comments