House Number

Kung kayo ay nakatira sa isang condominium o apartment building, ang susundin ninyong house number ay ang number ng unit na inyong tinitirhan at hindi ang address ng buong building.

House Number 1: Ang mga tao ng house number 1 ay busy lagi sa kanilang trabaho at hobbies kaya madalas ay nasa labas ng bahay. Lagi tuloy walang tao at mukhang malungkot ang kapaligiran. Kung gusto mong tumigil sa bahay ang mga tao at maging masaya ang kapaligiran, magdrowing ng figure number 1 at idikit sa likod ng inyong main door. Magiging 2 ang total number ng inyong bahay kay mababago ang energy.

House Number 2: Magandang tumira sa house number 2 dahil may energy ito na umaakit sa mga tao na mag-stay sa bahay at maging masaya ang atmosphere. Dito dapat tumira ang mga taong naghahanap ng mapapangasawa o magkaroon ng maraming kaibigan. Ang mga tao sa bahay na ito ay may pagkakaisa, friendly at masasaya. Happy house ang tawag sa house number 2.

House Number 3: Mas lively ang atmosphere dito dahil lahat ng tao ay mahilig magkuwento, madaldal at sinasabi kung ano ang kanilang mga opinion. Sa house number 2 ay masaya lang pero nahihiyang maging prangka. May pagpipigil sila sa pagsisiwalat ng nilalaman ng isip at puso. May tendency na maging magulo dahil madaldal ang mga tao. Para mapanatili ang harmony sa tahanan, gumamit ng blue. Ang blue ay nagpapakalma ng sobrang aktibong energy. Itutuloy

 

Show comments