Mga gabay upang magkaroon ng positibong pananaw
• Gumamit ng quotes para maalala kung paano maging positibo ang pananaw.
• Magmukhang laging masaya. Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng positibong ekpresyon ng mukha ay maaaring makapagpasaya sa sarile at magkaroon ng positibong pananaw sa kinabukasan.
• Tumulong sa iba na maging positibo. Kapag may kasamang pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa, tulungang mabago ang kanyang pananaw sa lahat ng mga bagay sa pagpapaliwanag kung paano maging positibo sa buhay.
• Gaano man kalungkot ang iyong nararanasan o pinagdadaanan makinig ng masasayang tugtog o kaya magbasa ng mga librong makakapag bigay ng kaliwanagan sa iyong buhay. Iwasang makinig ng mga nakakalungkot na musika o kaya magbasa ng mga librong malulungkot upang maiwasan lumalala ang mga negatibong nararamdaman.
• Ipamahagi ang biyayang natanggap sa kaibigan o maging sa mga taong hindi mo kakilala. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay nakapagbibigay ng kagaanan sa sarile at maging sa pananaw sa buhay.
• Ngumiti kahit sa napakahirap na sitwasyon upang gumaan ang pakiramdam.
• Count your blesÂsings, kahit sa magay na maliliit. Tignan ang mga mabubuting nangyari sa buhaygaano man ito kaliit o kahahalaga ay makakatulong upang maging mabuting tao.
• Iwasan ang mga taong mahilig mag-isip ng negatibo. Kung hindi kayang iwasan pag-aralan kung paano mo mapaglalabanan ang mga negatibong panaÂnaw niya.
• Lahat tayo ay may kahinaan. SikaÂping mapaglabanan ang kahinaang ito at subuÂking gamitin ang iyong kahinaan upang maging matatag sa lahat ng iyong pagdadaanan.