Mababang potassium ay nagdudulot ng:
Dehydration, diarrhea sobrang pagpapawis (hyperhidrosis) at ang hindi tamang paggamit ng laxative ay maaaring magresulta sa pagbaba ng potassium.
Sintomas ng mababang potassium
Ang sintomas ng mababang potassium ay hindi gaanong malubha. Maaaring mahigit sa isang sintomas na katulad ng gastrointestinal (GI) tract, kidneys, muscles, heart at nerves.
Panghihina, pagkapagal, o polikat sa braso at hita, ay sapat na upang maging sanhi upang hindi makakilos ang braso at hita dahil sa panghihina.
Panginginig at pamamanhid
Pagkahilo at pagsusuka
Pamumulikat ng tiyan, pamamaga
Mabilis na tibok ng puso
Madalas na pag-ihi at laging nauuhaw
Nawawalan ng malay tao dahil sa mababang blood pressure
Hindi normal na pag-uugali; depresyon, psychosis, deliryo, nalilito at halusinasyon.
Kailan dapat magpaÂkunsulta sa doctor.
Kapag ikaw ay may sintomas ng mababang potassium kailangan mong magpakonsulta sa doktor. Kung ikaw ay pinupulikat, nanghihina, hindi normal ang tibok ng puso, o kaya ikaw ay paranghihimatayin at laging nauuhaw, agarang mag punta sa doctor upang malunasan ang kakulangan sa potassium.
Ang kawalan ng sintomas ay maaaring hindi malaman agad na ikaw pala ay mababa sa potassium maliban na lang kung ikaw ay sasailalim sa routine blood test at electrocardiogram (ECG).