2014 Fengshui Tips: OX

Wealth & Career: Ang 2014 ay maganda para sa OX lalo na sa career. Kaya lang, sa kagustuhang magpasikat sa mga nakakataas o kaya ay sa kagustuhang kumita nang malaki ay tanggap na lang nang tanggap ng responsibilidad. Maging makatotohanan. Kung ano ang kayang gawin, iyon lang ang tanggapin.

LOVE: Magiging isyu sa OX people ang pagtitiwala at pagiging “open” sa minamahal. Iwasang maglagay ng computer, TV at exercise equipment sa inyong bedroom na mag-asawa. Winawasak ng mga ito ang love energy na umiikot sa kuwarto. Ang magandang lighting naman ang nagpapasigla ng energy. Buksan ang bintana ng bedroom upang makapasok ang fresh air at lumabas ang panis na energy.

Health: Makakaranas ng maraming ups and downs ang kalusugan. Magsuot ng Wu Lou fengshui symbol. Ingatan ang kalusugan habang nasa biyahe.

 

Show comments