Alam n’yo ba na ang kauna-unahang coin na pera ay inimbento 5000 B.C. na ang nakaraan ng mga Lydians? Dahil dito ang mga bansa sa Timog ang unang gumamit ng perang coin. Mas unang naimbento ang coin dahil madaming supply ng metal sa mga bansa at madali lang itong gawin at nare-recycle pa. Ngunit sa China naman naging pangkaraniwan ang paggamit ng perang papel matapos itong madiskubre 960 AD. Noong unang panahon, ginagamit bilang pera ang asin, tsaa, tabako, hayop at mga butong gulay para ipamalit sa anumang nais mabili. Tinatawag nila itong commodity money. Kaya lang, nang lumaon ay hirap na rin ang mga taong gawing pamalit ang mga commodity money na ito dahil sa sobrang bigat gaya ng asin, kaya naman naisipan ng mga tao na lumikha ng perang coin.