Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Viel, 37. Mag-iisang taon na ng mamatay sa isang aksidente sa motorsiklo ang asawa ko. Ngayon ay may bf ako pero marami ang nagsasalita ng masama laban sa akin. Ni hindi pa raw ako nakakapagbabang-luksa ay kumekerengkeng na ako. Pero sa totoo lang po, hindi ko tunay na mahal ang asawa ko. At ang bf ko ngayon ay nobyo ko na noon pa bago ako pagsamantalahan ng napangasawa ko. Tatlong taon din kaming nagsama ng mister ko at bawat araw ay kalbaryo. Wala po kaming anak. Ang balak namin ng bf ko ay magpakasal na pagkatapos ng babang luksa. Magpapalipas kami ng isang buwan para walang masabi ang mga tao. Masama ba ang pakikipagrelasyon ko?
Dear Viel,
Hindi masama dahil legally speaking, wala kang asawa dahil biyuda ka na. Gayunman, hindi mo maiiwasang makaÂrinig ng mga masasakit na pasaring. Hindi mo rin maiiwasang maÂtsismis ka dahil wala pang isang taong namamatay ang mister mo ay may karelasyon ka nang bago. Batid mo naman marahil ang kulturang Pilipino. Kung handa mong harapin ang pagkutya ng iyong kapwa, ituloy mo ang iyong relasyon sa iyong bf. Kaligayahan mo naman ang nakataya riyan at walang pakialam sa iyo ang ibang tao. Kaya palampasin mo na kung ano man ang masasakit na salitang naririnig mo. Ang mahalaga ay wala kang ginagawang kasalanan at malinis ang iyong budhi.
Sumasaiyo,
Vanezza