Kung ang daloy ng dugo sa utak ay naabala, ang ilang selula ng utak ay agad na namamatay, ang ilan naman ay nananatiling nasa panganib na mamatay. Ang mga napinsalang selula ay maaaring mailigtas ng agarang lunas ng gamot. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pagbabalik o pagpapanatili ng daloy ng dugo sa mga selulang ito ay maaaring magawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot na pangtunaw ng bara sa dugo, plasminogen activator (t-PA), sa loob ng 3 oras ng pag-umpisa ng atake sa utak. Maraming neuroprotective na gamot ang sinusubukan upang mapigilan ang pagkalat ng pinsala pagkatapos ng unang atake. Ipinalalagay na hindi maiiwasan o nalulunasan ang atake sa utak. Dagdag pa rito ang maling paniniwalang karaniwang matatanda lamang ang nagkakaroon ng atake sa utak o stroke at ipinagwawalang bahala ito. At dahil sa maling paniniwalang ito, ang karaniwang pasyente ng stroke ay naghihintay pa ng 12 oras bago itakbo sa emergency room. Sa pamamagitan ng paggamit sa salitang “brain attackâ€, ang atake sa utak ay nagkaroon ng tuwirang pangalan. NangaÂngailangan ito ng agarang gamutan o lunas dahil sa bawat minuto na lumilipas ay umiikli ang pag-asa na masagip ang buhay ng taong na-stroke.
Mga Sintomas o Palatandaan
Madaling makita ang mga sintomas ng stroke tulad ng; 1.Biglaang pamamanhid o panghihina.
2. Biglaang pagkalito o hirap sa pagsasalita o pang-unawa sa pagsasalita.
3. Hirap sa paningin ng isa o parehong mata,
4. Hirap sa paglakad, pagkahilo o kawalan ng balanse o koordinasyon.
5. Pananakit ng ulo ng walang anumang sintomas.
Mga Elemento ng Panganib
Ang pinakamahalagang elemento ng panganib ng atake sa utak ay mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, dyabetis, at paninigarilyo. Ang iba naman ay dala ng labis na pag-inom ng alak, mataas na kolesterol, paggamit ng bawal na gamot, mga sakit dulot ng genetiks o mga kondisyon mula pa noong pagkabata, abnormal na kundisyon sa dugo.