Alagaan ang iyong dibdib

Dahil sa dumaraming bilang ng biktima ng breast cancer,  maraming kababaihan ang kinakabahan na baka mapabilang sila dito. Paano nga ba makakaiwas sa ganitong uri ng cancer at paano magkakaroon ng malusog at seksing dibdib? Narito ang ilang paraan:

Kumain ng masustansiyang pagkain – Numero unong ipinapayo ng mga doctor na ang tanging panlaban sa anumang uri ng sakit ay pagkain ng mga masusustansiyang pagkain gaya ng mga berde at madilaw na gulay, walnuts, flax seeds, cranberries at omega-3 fatty acids na siyang matatagpuan sa isda, avocado at itlog.  Ang mga nasabing pagkain ay mahusay na panlaban din sa breast cancer dahil sa mataas na taglay ng magnesium ng mga ito.

Alamin/tiyakin ang sukat ng iyong bra – Sa isang pag-aaral, lumalabas na 70% ng mga babae ay nagsusuot ng maling sukat ng kanilang bra. Hindi nila alam, nagreresulta ito ng pagkakaroon ng iritasyon sa kanilang balat, hindi maayos na daloy ng paghinga, pagkakaroon ng maling tindig, maaari din masira ng masikip na bra ang mga maliliit na ugat sa breast na siyang magiging sanhi ng pananakit ng dibdib at pagkaluyloy nito. Naiiba ang sukat ng iyong dibdib, depende ito kung ikaw ay tumataba, pumapayat, buntis o nagme-menopause.  Kaya mabuting lagi sukatin ang iyong dibdib.

Mag-ehersisyo – Ang pag-eehersisyo ng apat na oras pataas sa loob ng isang linggo ay nakakapagpababa ng estrogen level sa iyong katawan kaya bumababa din ang panganib ng pagkakaroon ng breast cancer. Ayon sa research, tumataas naman ang tsansang  mabuhay ng isang taong may cancer kapag lagi siyang nag-eehersisyo.  Tumutulong din ito para hindi lumuyloy ang iyong dibdib at mapanatili ang kaseksihan nito. Ang pagpu-push-up at bench presses exercises ay makakatulong para mapanatili ang magandang hugis ng iyong dibdib.

Show comments