‘Butas na lupa’ (26)

DINUDUTDOT-hinihipo ng mga nilikhang mukhang suso si Monica. Walang magawa ang dalaga kundi mag-iiyak habang nakahiga.

Maya maya’y nag-usap-usap ang mga ito, siguro’y nagpapalitan ng opinyon tungkol sa dalaga.

Saka naunawaan ni Monica na ang mga ito ay mga duktor. Siya ay nasa laboratory ng mga ito, pinag-aaralan.

Dinig niya ang usapan. “Vizzu-wuzzu. Tengklat-tuz. Vinnizuzu”

“Kulixx. Tehvulvucc.”.

“Laicco laizzi iyux quizzuzu.”

“Mga anak kayo ng lintek! Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ninyo! Pakawalan n’yo ako! Suntukan na lang tayo!” galit na sigaw ni Monica, naubos na ang pasensiya.

Napalingon sa kanya ang mga mukhang suso; naggalawan ang mga antenna sa magkabilang bahagi ng ulo.

Umiling-iling ang mga ito, matatalim ang tingin sa kanya.

Ang ikinamamangha ni Monica, may kung anong invisible force na pumipigil sa kanya sa kama; hindi siya makabangon.

“Suntukan na lang tayooo!” sigaw muli ni Monica. Nakatingin sa kanya ang mga mukhang suso, halatang mga galit.

Isa ang nagsimulang mag-alis sa lahat ng damit ni Monica. “Hey, ano’ng ginagawa n’yo? Bakit ninyo ako hinuhubaran?”

Muli ay nawalan ng saysay ang pagtutol ng dalaga.

Saglit pa’y hubad na hubad na si Monica sa ibabaw ng kama, pigil pa rin ng di-nakikitang puwersa.

Isang mukhang suso ang naghubad din ng lahat ng damit.

Lumantad kay Monica ang kabuuan ng katawan nito. “Oh my God…may nakasabit na tila simpleng kandilag maliit—isperma ang tawag—sa tiyan niya! Iyon ba ang kanyang sex organ? Ito kaya ay lalake?”

Umandar na ang ispekulasyon sa isip ni Monica;  matindi na ang kanyang kaba. Siya ba ay lalahian ng mukhang suso na nakahubad?

Panay ang lunok niya, nerbiyos na nerbiyos.

Siya ba ay magiging nanay ng isang baby na mukha ring susong Hapon?  “Oh my God, no!” ( ITUTULOY)

Show comments