NASA loob ng sinkhole o butas na lupa si Monica, buhay na buhay. Ganoon na lang ang panggigilalas ng dalaga sa natuklasan.
Akalain ba niyang may ibang sibilisasyon sa ilalim ng lupa, specifically sa Barangay Antukin sa isla? “Oh my God! Oh my God!†ulit-ulit na sambit ng dalagang kusang tumalon sa butas, para tuklasin ang hiwaga ng sinkhole.
“Dito nga ba nahulog at nilamon ng lupa ang maraming tao sa ibabaw, pati na ang bahay nina Porong at Pining?†tanong ni Monica sa sarili habang naglalakad-lakad sa banyagang lugar.
Wala siyang makitang mga tao. “N-Nasaan na sila? Saan na napunta sina Chairman Domeng at mga tauhan? Narito ba sina Porong at Pining?â€
Pati bakas man lang ng mga huling nilamon o nilulon ng butas—ang mga taga-munisipyo—ay wala. Talagang wala.
Muling minalas ni Monica ang paligid. Siya ba’y nananaginip lamang? Isang mala-pantasyang daigdig ang kanyang kinaroroonan.
“Oh my God, b-baka patay na ako a-at ito’y…stop-over, papuntang paraiso ni Lord?†she asks herself, sa isipan lamang.
“Hello! Tao pooo!†sigaw na niya. Nakabibingi ang katahimikan ng paligid. Isa mang may buhay na nilalang ay wala siyang makita.
Merong mga punong-kahoy na sarisari ang kulay at anyo; ibang-iba sa matatagpuan sa ibaÂbaw ng butas.
“Katulad ito ng mga fantasy movies na napanood ko—isang lugar na wala sa realidad.â€
Nakikita niya ang matataas-kakaibang gusali; pawang nakahapay—katulad ng Leaning Tower of Pisa sa Europa.
“Amazing! Super-kakaiba ang architecture ng mga building! Lahat ay nakatabingi sa iisang direksyon!†SA IBABAW ng butas na lupa, si Jake ay matiyagang naghihintay; walang patlang ang dasal na sana ay matiyak na buhay pa ang nobya.
“Monica, bakit tayo nagkahiwalay? Bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?†Nakatunghay si Jake sa butas na lupa. Nawala na ang takot niyang baka siya biglang lamunin ng sinkhole.
“Sana nga’y higupin na rin ako, Monica…para akong nasa impiyerno right now, sweetie…gusto ko nang mabaliw!†(ITUTULOY)