Alam n’yo ba? Alam

Alam n’yo ba na ang night butterflies ay na- kakarinig sa pamamagitan ng kanilang tenga? Mayroong 3,000 uri ng insekto. Sa dami ng insekto, isang porsiyento lamang sa mga ito ang maituturing na delikado para sa tao at ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng benepi- syo sa kapaligiran. Ang pinakamatandang ipis na nakuha ay maituturing na 280 milyong taon na matapos na madiskubre ang labi nito. Ang honeybee ay kailangan munang lumipad ng 43,000 miles para makakolekta ng isang libra ng honey. Mayroon din buhok sa mata ang honeybee. Sa 1,000 lamok, iisa lang dito ang babaeng lamok na nagdadala ng sakit sa tao. Ang mga lalaking gagamba ay naghahabi ng kanilang sapot na hugis gitara para makaakit ito ng babaeng gagamba. Ang langaw ay nabubu- hay sa loob lang ng isang buwan.

 

Show comments