May iba’t-ibang uri ng kaibigan at minsan, hindi rin magkakatulad ang role nila sa buhay mo sa mga sitwasyong iyong kinakaharap. Narito ang mga uri ng kaibigan na dapat ay mayroon ka.
Parang “uncleâ€/aunt†– Ang ganitong uri ng kaibigan ay maaasahan sa oras na ikaw ay nasa napakahirap na sitwasyon ng iyong buhay. Maaasahan mo kasi ang kaibigang mong ito sa mga payong iyong kinakailangan. Maaasahan mo rin itong makinig sa’yo ng paulit-ulit ng hindi ka agad hinuhusgahan. Makakaasa ka rin na palaging may kalakip na pag-ibig ang kanyang mga sasabihin sa’yo. Anumang oras ay kaya ka niyang damayan. Kaya naman kung siya ang magkakaproblema, huwag mo rin kalimutan na siya ay abutin, pakinggan at tulungan.
Komedyanteng kaibigan – Siya naman ang uri ng kaibigan na hindi magbibigay sa’yo ng “dull moment†at palaging siya ang inaasahang magpapasaya sa anumang umpukan. Ang kaibigan mong ito ang hindi papayag na makitang may luha ka sa iyong mga mata, kaya gagawin ang lahat para lang mapatawa ka. Kaya lang hindi rin siya ang dapat mong takbuhan kung nais mong umiyak dahil sa iyong problemang kinakaharap. Bakit? Ayaw kasi niya ng drama at iyakan. Kaya kahit seryoso ka na sa paghihinga mo sa kanya ng problema, gagawin pa rin niya itong joke matawa ka lang. Ang resulta! Hindi mo nasabi sa kanya ang bigat ng iyong dinadala.
Prangka – Gaano man kasakit ang salitang kanyang bibitawan ay wala siyang pakialam. Ito ang uri ng kaibigan na hindi mangingiming ikaw ay ituwid kung nakikita niyang ikaw ay nagkakamali. Kaya kung nais mo ng totoong mapagtatanungan at ng totoong kasagutan, bakit hindi siya ang iyong takbuhan? Mahusay din siya magbigay ng payo lalo na kung ikaw ay nasa isang sitwasyon na napakahirap desisyunan.
Kasangga – Sa dami ng iyong kaibigan, mayroon kang mapipili at masasabi mong kasangga. ‘Yun tipong magkatinginan pa lang kayo ay alam na ninyo ang nais sabihin ng isa’t isa.
Mr./Ms. Perfect – Ito ang uri ng kaibigan na kung titingnan mo ay wala ng kulang sa kanya. Kaya naman kung pakiramdam mo ay may kulang sa’yo, lalo na kung lakas ng loob ang iyong hinahanap, pagtulak sa iyong kumpiyansa at pagmamahal sa sarili. Ang lahat ng ito ay sa kanya mo makukuha.