Siguradong may kamag-anak, kaibigan, kakiÂlala o kakilala ng kakilala mo na nagkaroon ng myoma. Kaya dapat nating malaman ang tungkol sa myoma.
Ayon sa Wikipedia.com, ang myoma sa matris o uterine fibroid (tinatawag ding myoma uteri, uterine leiomyoma, myoma, fibromyoma, o fibrolei o ÂmÂyoma) ay isang uri ng myoma o mga bukul-bukol na lumilitaw sa matris ng babae (sinapupunan, bahay-bata), partikular na habang nasa panahon ng mga taon na maaaring silang magdalangtao. Sa kasalukuyan, ipinapalagay ng mga dalubhasa sa medisina na ang myoma sa matris ay maaaring dahil sa genetics at mga hormones. Bagaman hindi ito isang uri ng kanser at hindi rin nakamamatay na karamdaman, ang babaeng mayroon nito ay maaaaring makadama ng pananakit (Itutuloy)