Alam n’yo ba na 96% ng pipino ay tubig? Noong 1994 sa Siberia, nadiskubre ang isang container na marijuana sa libingan ng Scythian princess. Ang libingang ito ay 2,000 taon na ang tanda. Sa Netherlands naman noong 1634, nagbayad ng 1,000 libra ng keso, apat na oxen, walong baboy, 12 tupa, isang kama at isang cabinet na mga damit para lang sa isang bulaklak na viceroy tulip. Ang Oak tree ay hindi mamumunga ng acorn hangga’t hindi ito nakakarating ng 50-taon. Noong unang panahon sa Europa, napakamahal ng tsaa o tea, kaya naman itinatago pa ito sa isang kahon ng kahoy. Ang oranges, lemons, watermelons at kamatis ay berries.