Nagsisisi sa pag-aasawa ng daisy... IDAING

Dear Vanezza,

Ako’y nakapag-asawa ng isang 19 years old na dalaga, while I’m 41 years old. Hindi ako guwapo pero mayaman ako. Ang negosyo ko ay restaurant. Madali kong nakuha ang misis ko. One week ko pa lamang siya nakikilala ay sinagot na agad ako. Isang taon na kaming kasal ngayon at buntis siya sa una naming anak. Ang napansin ko sa kanya ay isip bata siya. Hindi niya ginagawa ang responsibilidad ng isang asawa. Para siyang dalaga na mahilig sa gimik at barkada kahit buntis na siya. Para tuloy akong nagsisisi sa pag-aasawa sa isang bata. Ano ang dapat kong gawin? Maitutuwid ko pa kaya ang kanyang ugali? - Peejay

Dear Peejay,

Bata pa kasi ang misis mo at hindi pa niya ganap na na-enjoy ang pagiging dalaga dahil maagang nag-asawa. Ang magagawa mo’y unawain siya at kausapin tungkol sa kanyang responsibilidad bilang housewife. Ipaliwanag mo ang kaibahan ng kanyang lifestyle noon at ngayon. Na masama sa baby kung mapupuyat siya at ma-e-expose sa sobrang polusyon sa mga bar na pinupuntahan niya. Habaan mo ang iyong pasensiya at harapin ang consequence ng pag-aasawa ng isang babaeng parang anak mo na.

 

Show comments