Para mapadali ang panganganak...

Ang pagdadalantao ay hindi madali para sa  lahat ng mga kababaihan, may ilan na madali lang para sa kanila ang magbuntis, may ilan naman na hirap na hirap at kailangan na itali sa kama para lamang mabuhay ang bata sa kanyang sinapupunan. Ang pagbubuntis o pagkakaroon ng anak ay isang regalo mula sa Dios dahil hindi rin lahat ng babae ay may kapasidad na magdalangtao. May ilan na kumplikado ang kalusugan at ang iba ay talagang may diperensiya. Ang panahon na itinuturing na pinakanakakainip ay ang panahon ng iyong kabuwanan kung saan iluluwal mo na ang iyong sanggol na pinalaki ng siyam na buwan sa loob ng iyong tiyan. Ang ilang nanay kung kailan kabuwanan ay saka naman nahihirapang palabasin ang kanilang baby. Kaya ang resulta, para silang pinarurusahan sa panahon ng kanilang pagle-labor o ang proseso para mapalabas ang bata sa kanyang tiyan. May mga ginagawa ang doctor para mapalabas ang sanggol lalo na kung malalagay sa panganib ang buhay nito at ang buhay ng ina. Pero, kung wala naman medical reason para pilitin ang sanggol sa kanyang paglabas, hindi ito gagawin ng mga doctor dahil maraming natural na paraan para mapadali ang pagle-labor ng isang babae.

Makipag-sex – Kung gusto mong mag-enjoy habang tinutulungan si baby na lumabas sa iyong tiyan, bakit hindi ka makipag-sex kay Daddy? Ang sex ang pinakapopular na paraan para mapadali ang pagle-labor. Ang semen kasi ng lalaki ay mayroong natural na prostaglandins na tumutulong  para bumukas ang iyong cervix o sipit-sipitan. Mare-relax din ang katawan matapos ang pakikipag-sex at ang relax na katawan ay malaking tulong para mas mapadali ang paglabas ni baby. 

Gumalaw-galaw – Ang paglalakad, paglangoy o iba pang activities na hindi naman stressful para sa buntis ay makabubuti para mapadali ang kanyang panganganak. Pinaniniwalaang makakatulong ito para umayos ang posisyon ng bata sa sinapupunan ng ina at makapuwesto ng maganda para maging normal ang panganganak ni nanay.

Mag-relax – Kung nag-iisip ka paano lalabas agad ang iyong baby, magdudulot lang ito lalo ng stress sa’yo, mag-relax  at mas mapapadali ang iyong pagle-labor.

 

Show comments