May osteoporosis ka ba? (1)

Ang osteoporosis ay isang medikal na kalagayan kung saan ang buto ay unti-unting numinipis at humihina. Ang mga buto ng mga taong mayroon nito ay parang ispongha (sponge). Dahil marami ang mga butas nito, napapadali ang paglutong at pagbali ng mga buto. Naiiba ito sa kondisyon ng osteopenia kung saan ay numinipis din ang mga buto na maari ring mauwi sa osteoporosis.

Ang malulusog na buto ay mayroong pro- tein, collagen, at calcium na nagpapatibay dito. Ang mga buto na naapektuhan ng osteoporosis ay madaling nababali sa mga pinsala na kadalasang hindi iniinda ng mga malulusog na buto. Maaaring magbitak ang mga buto (kagaya ng pagkabali ng mga buto sa balakang) o di kaya ay gumuho (tulad ng compression fracture ng mga buto ng gulugod). Kadalasan sa mga buto ng gulugod, baywang, tad- yang, o sa may bandang pulso nangyayari ang pag- kakabali ng mga butong apektado ng osteoporosis.

Malaki ang tsansang magkaroon ng osteopo- rosis ang mga sumusunod:

1) Kababaihan

2) Caucasian o Asyano tulad ng mga Pinoy

3) Taong may maliit at balingkinitan na panga-ngatawan

4) May family history na nagkaroon na ng osteoporosis (family history)

5) Dati nang nabalian ng buto sa panahon ng adulthood

6) Naninigarilyo at malakas uminom ng alak

7) Hindi nag-eehersisyo o taong hindi nakakaki-los ng madalas

8) Mababa sa calcium content ang kinakain

Show comments