Maraming mag-asawa ang dumarami ang anak dahil sa patuloy na paghahabol ng anak na babae o lalaki. Pero karamihan, lalaking anak ang hinahabol ng mga mag-asawa. Narito ang ilang paraan:
“Shettles Method†– Ayon sa pag-aaral ni Dr. Shettles, kailangan magkaroon ng “deep penetration†ang pagtatalik ng isang mag-asawa dahil ang Y chromosomes na nagdadala sa male sperm ay mabilis lumangoy patungo sa bahay-bata ng babae, ngunit agad din naman itong namamatay. Ipinapayo din na dapat pataasin ng babae ang kanyang alkaline level sa genital area nito upang mabawasan ang kanyang acid level na pumapatay sa sperm ng lalaki. Ngayon ay marami ng nabibiling “wipes†na mayroong mataas na alkaline.
Healthy diet – Upang magkaroon ng lalaking anak, kumain ng maraÂming “red meat†gaya ng baka at baboy. Dapat din na uminom muna ng kape ang lalaki bago makipagtalik. Kumain din ng pagkain na mataas ang calcium, vitamin C, B-12 at vitamin E.
Posisyon – Dapat pag-aralan ng mag-asawa ang mabuting posisyon na agad makakarating ang sperm ng lalaki sa loob ng bahay-bata ng babae. Kinakailangan din na mahiga at magpahinga muna ng 15-minuto matapos ang intercourse para sa ikabubuti ng sperm at hindi ito malaglag palabas sa vagina.