Karelasyon ang pinsan

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Meena, 19. Ang problema ko po ay ang relasyon ko sa aking first cousin. Anak siya sa second wife ng aking uncle na kapatid ng aking Mama. Balikbayan siya from US at nagkita kami nang umuwi sa Pinas last year. Nagmamahalan po kami at hindi ito alam ng mga parents namin. Dapat ba itong magpatuloy?

 

Dear Meena,

May blood relations kayo ng iyong uncle kaya kadugo mo pa rin ang kanyang anak sa pangalawang asawa. Hindi mabuting ipagpatuloy ninyo ang ganyang relasyon dahil maraming kaso na ang nagkakapangasawahang magkadugo ay nagkakaroon ng abnormal na anak. Kaya makabubuting ibaling ninyo na lang ang pag-ibig sa ibang hindi ninyo kaanak. Kalimutan n’yo ang sariling kaligayahan at alalahanin ang magiging supling na siyang malamang magdusa kung itutuloy ninyo ang inyong pag-iibigan.

Show comments