Dear Vanezza,
Ako po si Dondon, 14 years old. Consistent scholar po ako at laging top sa klase. Maraming nagsasabi na artistahin po ako dahil 5’9 ang height ko at mestiso. Ako po ay half Filipino at half German. Graduating na po ako sa high school at may humihikayat sa aking kaibigan na may koneksiyon sa isang movie outfit na mag-artista. Subukan ko raw at kumuha lang muna ako ng few units sa college. Hilig ko rin po ang umarte at kumanta pero baka hindi ako payagan ng parents ko kung mag-aartista ako. Hindi naman po ako after sa perang kikitain kundi sa popularity na tatamuhin ko. Tama po ba na sundin ko ang hilig ko?
Dear Dondon,
Nasa sa’yo yan pero kailangan mo pa rin ang basbas ng iyong magulang. Pero kung ako ang paÂrents mo, hindi kita papayagan dahil ang ningning ng showbiz ay pansamantala lamang. Hindi katulad ng edukasyon na ang pakinabang ay pangmatagalan. Sayang ang abilidad mo, iho. Consistent scholar ka at ibig sabihin ay exceptional ang iyong talino. Kunin mo ang kursong hilig mo at magkaroon ka ng degree na maghahatid sa iyo sa tunay na tugatog ng tagumpay. Sa iyong larangan ay tiyak magiging popular ka.
Sumasaiyo,
Vanezza