Pinagtaksilan ng misis

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Lonely Boy, 29 years old, may asawa at 3 anak. Maipagmamalaki ko na ako’y one-woman man. Tapat sa asawa at kailan man ay hindi nagtaksil sa loob ng 4 na taon na­ming pagsasama ng misis ko. Bukod diyan ay good provider din ako sa pamilya. Ang napakasakit sa akin na hindi tinumbasan man lang ng misis ko ang aking pagiging tapat at uliran sa kanya. Natuklasan kong may iba siyang lalaki. Una kong nalaman ito nang may mag-text sa kanya. Akala ko nung una ay wrong send lang. Hanggang sa mahuli ko siya na nagte-text sa lalaki. Inagaw ko ang phone at nakita ko ang mga palitan nila ng matatamis na salita ng lalaki. Sabi niya hindi pa niya nami-meet ang lalaki at hanggang text lang siya at walang balak na makipagkita. Dapat ko ba siyang paniwalaan? Duda ko’y nagtatagpo sila.

Dear Lonely Boy,

Bigyan mo pa rin siya ng benefit of the doubt. Hanggat hindi mo nahuhuli sa akto, mahirap sabihing nagtatagpo na ang misis mo at ang lalaking ka-text niya. Pero pagpalagay nang nagsasabi siya ng totoo, kataksilan pa rin ang ginagawa niya. Mabuting pag-usapan ninyo ang problema at bigyan mo siya ng chance na magbago. All attempts to save the marriage must be done lalu pa’t may mga anak na kayo. Alamin mo sa kanya kung ano ang ayaw niya sa’yo at sikapin mong maging mapagkumbaba sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments