Bakit ka tini-tagihawat?

Last Part

5. Mag-ingat sa mga ginagamit sa iyong buhok.  Iwasang gumamit ng pabango, langis, pomada, at gel sa iyong buhok. Kapag nagkaroon ng mga ito ang iyong mukha, maaaring ang iyong skin pores ay ma-irritate sa iyong balat.  Gumamit ng banayad na shampoo at conditioner sa iyong buhok. Ang oil sa ating buhok ay maaring makapalala sa pagiging oily face. Kung ikaw man ay may mahabang buhok, hawiin ito sa iyong  mukha.

6. Iwasan ang madalas na paghawak sa iyongmukha.  Iwasan ang malimit na paghawak sa iyongmukha, itukod ang kamay sa pisngi o sa baba. Hindi lang maikakalat nito ang baktirya kundi maaaring magdulot din ito ng iritasyon sa iyong balat. Huwag titirisin o puputukin ang tagihawat gamit ang mga daliri na maaaring magresulta sa impeksyon at peklat.

7. Umiwas sa sikat ng araw. Ang ultraviolet rays ng araw ay makakadagdag ng pamamaga at pamumula. May ilang gamutan sa tagihawat na nakakadagdag ng pagiging sensitibo ng balat sa araw. Limitahan ang pagbibilad sa araw lalo na sa pagitan ng oras na 10 a.m hanggang 2 p.m at magsuot ng damit pamprotekta sa araw katulad ng long-sleeved shirt, pants, at malalapad na sumbrero. Kahit may tagihawat o wala, gumamit ng sunscreen na may SPF 30 o mas mataas pa at least 20 minutes bago magpaaraw.

Show comments