Nakakalbo ka na ba?

Last Part

Styling Products - Ang mga Gels, wax at iba pa ay may purpose kaya ito. Nakakatulong ito para maiayos ang buhok sa nais na style. Ngunit ingatan lang sa paglalagay ng mga ito sa buhok dahil baka lalong ma-expose ang nakakalbong area. May epekto rin ang madalas na paggamit nito sa ating buhhok.

Hair grower - Maraming naglalabasang hair growers o hair treatments para sa mga naglalagas ang buhok o nakakalbo. May mga gamot o treatments na easy-to-do o do-it-yourself ngunit kadalasan, ang mga ito ay hindi naman talaga epektibo. Magtanung-tanong sa mga kakilala at kaibigan kung ano ang epektibo nilang ginagamit na treatment o hair grower.

Huwag mag-panic - Hindi dapat mag-alala kung maraming buhok ang nalalagas. Nangyayari ito kapag nagsusuklay lalo na kapag naliligo. Normal lang na malagas ang buhok araw- araw. Hanggang 100 buhok ang puwedeng mawala sa atin araw-araw. Kung talagang nakakalbo na, saka ito bigyan ng pansin.

Healthy Diet - Ang iyong buhok ang unang indicator kung ikaw ay healthy.  Ang balanseng diet ng organic meats, fruits at vegetables ay nagpapalakas ng buhok at ng iyong buong katawan. Magtanong sa doctor ng  vitamin supplements. Kapag tumuntong na ng 20s, kailangan nang mag-vitamins. Ang kakulangan sa iron at vitamin B ay sinasabing sanhi ng paglalagas ng buhok.

Sumbrero -  Ang mga sombrero o cap ay directing may contact sa buhok. Tulad ng tuwalya, hair dryer at iba pa, nakaka-stress din ang sombrero at cap sa buhok. Ang paghawi ng buhok at pagtitirintas ng buhok, pagtatali at pagbabandana ay nabibigay stress sa buhok kaya lalong maglalagas ang buhok.

 

Show comments