Kusang Gumaling Ang Sugat

Panaginip: Binaril ako sa dibdib pero nakaya ko pang tawagan ang aking asawa para ako saklolohan pero hindi niya sinagot ang aking tawag. Tatawag pa sana ulit ako pero biglang gumaling ang aking sugat. Hindi ko nakita ang mukha ng bumaril sa akin.---Lemuel

Interpretation: May masakit kang karanasan na kinikimkim  sa iyong dibdib. Gusto mong hingin ang tulong ng iyong pamilya ngunit wala silang oras para suportahan ka. Nang magtagal ay napansin mong nakalimutan mo na ang iyong masakit na karanasan at naging matatag na ang iyong pagkatao.

Show comments