Dear Vanezza,
Ako po si Choi, 17 years old. Natigil po ako sa school dahil kulang sa budget ang parents ko. ‘Yun munang panganay ang pagtatapusin tapos ako ang magpapatuloy. Isang year na lang kasi at ga-graduate na sa college ang kuya ko. Ngayon po ay may lumapit sa akin na isang talent scout. Mula raw siya sa isang malaking network at kukunin daw akong artista. Pero marami ang nagsasabing baka manloloko ‘yung baklang ‘yun. Naisip ko kasi na kung mag-aartista ako ay makakaipon ako ng pera para magpatuloy ng pag-aaral. Dapat ko bang ituloy ang ambisyon ko?
Dear Choi,
Tama ang nagpapayo sa iyo na mag-ingat sa kung sinong lumalapit sa iyo na nag-aalok na gagawin kang artista. Ang magagawa mo, kumpirmahin mo mula sa management ng network ang sinasabi niya at kung totoong talent scout siya. Maraming manloloko diyan at marami nang nabalita tungkol sa ganyang “raketâ€. Walang masama sa pangarap mo pero pakaisipin mo rin. Magulo ang showbiz at baka imbes na makapagpatuloy ka ng pag-aaral ay diyan ka na lang malulong. Isang taon lang naman ang ipaghihintay mo kaya pagtiisan mo na. Tutal kung makatapos ang kuya mo, malaki siyang tulong sa inyo lalo na sa pag-aaral mo.
Sumasaiyo,
Vanezza