MEASLES VACCINE O BAKUNA SA TIGDAS
Ang tigdas ay isang impeksyon kung saan nagkakaron ng pantal-pantal ang balat ng mga bata, na may kasamang sakit na parang trangkaso. Dahil sa mga komplikasyon nito, ito’y isa ring sakit na dapat iwasan. Ito’y itinuturok sa braso, at ibibinigay ng isang beses.
1: Sa ika-9 na buwan ng sanggol.
PARA SA MGA BATA (HIGIT SA 12 NA BUWAN)
MMR: BAKUNA SA BEKE, TIGDAS, AT TIGDAS-HANGIN
Bukod pa sa bakuna sa tigdas, may rekomendadong bakuna rin na kumokontra sa tatlong sakit na nakakahawa: beke, tigdas, at tigdas-hangin (mumps, measles, rubella o MMR). Ito’y itinuturok sa braso, at ibinibigay ng dalawang beses:
1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
VZV: BAKUNA SA BULUTONG
Kilala naman natin lahat ang bulutong; ngayon, posibleng hindi na magkaroon ng nito ang mga bata sa pamamagitan ng bakuna. Ito’y itinuturok sa braso, at ibinibigay ng dalawang beses, gaya ng MMR:
1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
MMRV: BEKE, TIGDAS, TIGDAS-HANGIN, AT BULUTONG!
Meron narin ngayong bakuna na pinagsasama ang MMR at VZV, o ang lahat ng bakuna sa beke, tigdas, tigdas-hangin, at bulutong. Dahil ang pagpapabakuna ay hindi kanais-nais na karanasan, lalo na sa mga bata, ipagtanong sa inyong doktor kung pwedeng ito ang gamitin para isang turukan na lamang.
VZV: BAKUNA SA BULUTONG
Kilala naman natin lahat ang bulutong; ngayon, posibleng hindi na magkaroon ng nito ang mga bata sa pamamagitan ng bakuna. Ito’y itinuturok sa braso, at ibinibigay ng dalawang beses, gaya ng MMR:
1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
HEPATITIS A VACCINE: BAKUNA SA HEPA A
Bagamat hindi kasing grabe ng Hepatitis B, ang Hepatitis A ay maganda ring iwasan; ito’y nagdudulot ng paninilaw sa mga bata ng ilang araw, at nakukuha sa pagkain, lalo na sa mga pagkain na hindi sigurado ang pinagmulan. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng dalawang beses:
1: Pagkatapos ng unang kaarawan ng baby
2: 6 hanggang 12 na buwan pagkatapos ng unang turok