Foot Reading (3)

Daliring nakasiksik sa ilalim ng katabing daliri: Nahihirapang ibigay agad ang pagtitiwala niya sa ibang tao. Matagal magkimkim ng sama ng loob.

Kung ang daliri ay nakabaling lahat sa hinlalaki: Hindi maka-get over sa kanyang nakaraan.

Kung nakabaling ang mga daliri sa hinliliit: Laging nagmamadali sa lahat ng bagay.

Baluktot na daliri: Hindi siya mabait sa kapwa.

Magkadikit ang 2nd at 3rd toes: Magandang career ang nagbibigay sa kanya ng tiwala sa sarili.

 Mahabang paa: Siya lagi ang life of the party.

Kung mahilig magsuot ng medyas kapag nasa bahay o closed-toe shoes: Laging nakatago ang paa dahil siya ay very private person.

Itutuloy



 

 

Show comments