KAYLAKAS ng sigaw ng vampire, kitang padaluhong na mula sa langit ang mga puting anghel na nakakabayo, nagliliyab ang mga espada.
Walang nagawa si Vincento nang sambilatin na ng anghel.
Ibinaba ng puwerÂsa ng kabutihan ang vampire—sa harapan ni Natalie, sa Pugad-Lamok.
Nasaksihan ng dalaÂga ang kababalaghan. Ang pagtapos ng mga anghel na puti sa buhay ng vampire na nakaitim.
TSAK-TSAK-TSAAK. Mga saksak ng espada ang tuluyang kumitil kay Vincento. Wala nang vampire na maghahasik ng lagim sa bansa.
“Hu-hu-hu-huu. Salamat po, salamat po…â€
PALAPIT na ang sasakyan nina Sam at Father Renzo. Nasaksihan nila ang himala ng langit. “Natalie, naghihintay na sa iyo ang Paraiso,†sabi ng isang anghel.
Luhaan sa galak na humiwalay na sa katawan ang kaluluwa ni Natalie. Saglit pa’y sakay na ito sa kabayo ng anghel.
Hinabol ng tanaw ni Sam at ng padre ang mga anghel na paakyat na sa langit, kasama ang kaluluwa ni Natalie.
Hindi nalimutang kumaway pa sa kanila ang kaluluwa.
“Godspeed, Natalie! I love you!†sigaw ni Sam.
ANG bangkay ni Natalie ay naagnas na, nakalatag sa kalye, katabi ng patay nang vampire.
“Father Renzo, matatahimik nang tuluyan si Natalie…â€
“Oo, Sam. Ililibing nating muli ang kanyang labi, bebendisyunan…â€
“A-At ito pong vampire?†Ang bangkay ni Vincento ang tinutukoy.
Napailing ang alagad ng Diyos. “Ipakukuha natin sa awtoridad—sila ang bahalang magpasya kung ano ang gagawin sa kampon ng diablo. Kunan natin ng pictures, Sam.â€
Nagamit nila ang mga cellphones na may kamera. Paulit-ulit nilang kinunan ng litrato ang patay nang vampire. “Ipo-post ko ito sa FB, Father.â€
SI NATALIE ay muling inilibing, sa banal na lupa. BinendisÂyunan ito ng butihing padre, saksi si Sam.
Nawala sa cellphones nila ang laraÂwan ng vampire. Hindi ito nai-post sa FB ni Sam.
WAKAS. (Up Next: “PATAY KAYO, MGA CORRUPT!â€)