‘The Kiss’ (42)

“GANO’N ba, Father Renzo—pipigilin mo ang full moon bukas?”

“Huwag mo akong insultuhin, Sam. Pareho lang tayong pumalpak na naman. Hindi mo tinamaan ng baril ang vampire ng benditadong bala, hindi ko kasalanan iyon.”

“Hindi ninyo nilakasan at binilisan ang pagsaboy ng holy water, kaya nakatakas ang vampire tangay si Natalie! Kasalanan mo ‘yon, Father!”

Nagpakahinahon ang padre. “Kung sasamahan mo akong manalangin sa Panginoon, sa halip manisi, natitiyak kong tutulungan Niya tayo, Sam.”

 Bumuntunghininga ang binata. Tumingala sa langit, parang batang naghahanap ng makakapitan sa oras ng kawalang pag-asa.

“Lumuhod tayo, Sam. Makiusap tayo nang husto kay Lord.”

Napaluha na si Sam, nakiluhod sa padre sa loob ng guhong simbahan.

SA PUGAD-lamok, itinali ni Vincento sa poste si Natalie. “Kailangan kong sumipsip ng dugo ng sampung tao, Natalie! Sandali ko lang gagawin ‘yon! Babalikan agad kita!”

Mabilis nang nanalasa sa kalapit na tabing dagat si Vincento. Sinunod-sunod ang pagpatay sa mga bagong ahon na mangingisda.

“Aaagghh!”

“Huwaagg!”

Pati mga mamamakyaw ng isda ay inatake ni Vincento. Hindi man lang nakapiyok ang mga babae habang sinisipsipan ng dugo.

Naghambalang na ang mga bangkay sa dalampasigan, nakasiyam na biktima agad ang vampire.

Sa pinagtaliang poste, si Natalie ay pinapapak na ng  lamok. Ngayong ang katawan niya ay dinaluyan na ng dugo dahil sa pagsanib ng kaluluwa, gustung-gusto na siya ng malalaking lamok.

Noon naisip ni Natalie ang isang bagay na nakaligtaang kontrolin ni Vincento—ang kakayahan niyang tumawag sa Diyos.

Nangyari tuloy na tatlong nilalang ang sabay-sabay na humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos—sina Sam at Father Renzo at si Natalie.

They are practically bombarding the gates of heaven with prayers.   

Samantala’y kulang pa ng isa ang dapat patayin ni Vincento sa gabing ito. Mabaliw-baliw ang vampire. “Isa pa! Saan ako hahanap ng isa pa?”

May mga padating. Hindi lang isa kundi marami. Nayanig si Vincento. Alam na tagilid siya. “Siyet! Siyeeet!” (TATAPUSIN)

Artist’s Guide: Tabing-dagat. Kita sa shore  sa tabi ni Vincento (vampire ala-drakula) ang pinatay na mangingisda at  tindera ng isda (dilat ang mga mata). Kita si Vincento  na gimbal-takot na nakatingala sa OFFSCENE na langit. Lagyan ng dialogue si Vincento na ganito: SIYET! SIYEEET!

Show comments