“HUWAG ‘ka mo kitang gawing bampira, ha, Natalie? E iyon nga mismo ang misyon ko sa dekadang ito—ang makalikha ng isang super-gandang bampira!†deklara ni Vincento habang nasa madilim na plaza ng Pugad-Lamok. “Ikaw ang unang Pinay na magiging vampire, bukas, pagbibilog ng buwan!â€
“Tutulungan ako ng puwersa ng Diyos, Vincento. Hindi ka magtatagumpay,†luhaang sabi ni Natalie.
“ ‘Yan ang akala mo. Planado na ang ikatlo at huling halik ko sa iyo, Natalie. Ang halik ang magbibigay sa iyo ng kapangyarihan ng isang bampira. Mabubuhay ka sa loob ng susunod na dalawang daang taon…â€
Lalong kinilabutan si Natalie. Sino ba ang nais mabuhay nang napakatagal? Ang nais lang niya ay makabalik sa kaharian ng Diyos.
“Sariwang dugo ng tao ang magbibigay sa atin ng walang hanggang kabataan, Natalie. Kukulubot at tatanda na ang lahat ng tao sa mundo—pero hindi tayo!â€
“Utang na loob, hindi ako intresado. Ibalik mo na ako sa Diyos,†luhaang nakiusap na naman si Natalie.
Malutong na tawa ang sagot ng vampire. “HA-HA-HA-HAA!â€
May padating na magsasaka, kasama ang kalabaw. Ewan kumbakit madaling-araw pa’y papunta na ito sa sakahan.
Hinarang ni Vincento. “Ano ang pangalan ng kalabaw mo?â€
Kinabahan ang magsasaka. “Tutay po. S-sino po ba kayo?â€
“Hulaan mo…†Inilapit ni Vincento ang mukha. Saka ngumanga, kita ang mga pangil.
Napaigtad ang magsasaka, naunawaan kung ano ang kaharap.
Pero huli na, nasagpang na ito ng vampire sa leeg.
“A-aa…†Impit na daing ang nagawa nito, butas na ang leeg, nasipsip na ni Vincento ang dugo.
“Eeeee!†Nagtitili si Natalie.
Inilulan ng vampire sa kalabaw ang patay nang magsasaka.
Saka pinalo sa puwitan ang kalabaw. Tumakbo ito. Umuunga.
Si Natalie ay alipin ng vampire; walang kakayanang tumakas. “Hu-hu-huu. Ayokong maging bampira. Maawa ka…â€
“WHAT now, Father Renzo? Pipigilin natin ang pagbibilog ng buwan bukas?†Sarkastiko si Sam, nawalan na ng pag-asa. (2 LABAS)