Paano kontakin ang guardian angel?

Bago kumontak ng anghel, linisin mo muna ang iyong energy. Maihahalintulad tayo sa isang radyo. Kailangang maalis ang static para malinaw na makapasok ang signal. Meaning, tanggalin ang galit, inggit at anu-ano pang negatibong emosyon. Ang anghel ay walang porma na kagaya ng tao. Ispiritu lang sila o energy na nag-aanyong liwanag na may kulay kapag type nilang magpakita sa tao. Tayo ay binibigyan ng Diyos na 2 o higit pang guardian angel pagkasilang sa atin.

Kagaya sa isang corporate setting, ang mga anghel ay may sinusunod na protocol. Hindi sila basta-basta lumalapit sa mga tao para makialam. Kailangang banggitin ang kanilang pangalan ng tatlong beses para agad sila tumalima sa inyong pagtawag. Kapag isang beses o dalawang beses lang, aakalain nilang naiisip n’yo lang sila pero hindi ninyo kailangan ang kanyang presence. Or, kung hindi mo alam ang kanyang pangalan, just call them “my guardian angel”. Anu-ano ang mga bagay na humahadlang para makakontak ka sa iyong anghel?  (Itutuloy)

Show comments